ederic’s friendster blog






         

January 29, 2007

Sa Blog Parteeh

Filed under: Web/Tech — ederic @ 3:38 am

Nakasama pa rin ako sa Blog Parteeh ‘07. Isinama ako nina Ma’am Malou at Sir Joe sa GMANews.tv team na dumalo sa event.

Sa Blog Parteeh '07

Sa Blog Parteeh, nagkita-kita ulit kami ng mga dati ko nang cyberfriends gaya nina Markku, Abe, at Karla
(na unang beses ko pa lang nakita). Nasa UP pa lang kami ni Markku,
cyberfriends na kami, samantalang itong huling dalawa ay nakilala ko sa
Rebelde.com may mga pitong taon na siguro ang nakalilipas. Read the rest of this entry »

November 6, 2006

Philippine Idol Pow Chavez

Filed under: Television — ederic @ 6:02 am

Kung hindi mo kilala si Pow–loser ka. Joke lang, hehe. Siguro, di mo pa napanood ang Philippine Idol sa ABC-5. Si Pow Chavez,
para sa mga hindi nakakaalam, ay isa sa mga contestant ng talent search
na ito. Siya ang tinataya namin ni Mhay na magiging unang Philippine
Idol. Siya rin ang Philippine Idol ni Mig-Mig, ang 3-year-old nephew ni Mhay.

Una ko pa lang napanood ang palabas, napanganga na ako sa boses ni
Pow. Sabi ko, kapag nagka-album na siya, siguradong bibili ako. Eto ang sample ng pagkanta niya.

Continue Reading »

September 24, 2006

Showbiz Linggo

Filed under: Television — ederic @ 10:23 am

Ibinandera ng palabas sa TV kahapon ang pinakaunang pahayag daw ni
James Yap tungkol sa pagbubuntis ng asawang si Kris Aquino–na para bang
ito na ang pinakamahalagang kaganapan sa bansa sa linggong ito.

Pero ang balitang nakapagpaalala na tumatanda na ako ay ang
pagpapakasal nina Mark Anthony Fernandez at Melissa Garcia. Teenager
ako noong panahon ng kasikatan ng mga Gwapings na kinabilangan ni Mark
Fernandez–kasama sina Eric Fructouso at Jomari Yllana. Lagi nila noong
kapareha si Abby Viduya, na kalauna’y naging si Priscilla Almeda.

Sa aming mga kabataan sa probinsya na hindi exposed sa Hollywood ang Gwapings ay kabilang sa mga idolo noong panahong iyon. More »

Ang Mamamahayag at ang Pagbabago

Filed under: Television — ederic @ 10:21 am

Para pa rin sa mga estudyanteng naghahanap ng mga talumpati, narito
naman ang pananalitang binigkas ng kaibigan at ka-Tinig kong si
Alexander Martin Remollino sa Media Summit na isinagawa ng UP College
of Mass Communication Student Council noong Setyembre 22, 2006.

Naka-post din ang piyesang ito sa blog ni Alex, ang Our Thoughts are Free, at sa Indymedia Philippines. Muling ko  itong ipinost dito nang may pahintulot ng may-akda.

Ang Mamamahayag at ang Pagbabago

Yaong naghahatid sa atin ng balitang-”artista” sa isa sa mga
pangunahing istasyon sa telebisyon ay nagtapos sa De La Salle
University (DLSU), bagama’t ilang taon bago iyon ay nakikita-kita ko
siya sa pinanggalingan kong pamantasan, ang University of Santo Tomas
(UST). Yaong katapat niya sa kabilang istasyon ay kilala ng karamihan
sa atin bilang nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Continue Reading »

September 14, 2006

Ngayong araw sa Our Daily Txt

Filed under: Weblogs — ederic @ 9:47 am

D0 u
evr
fil
l0nly?

evrytym b4
u g0 2slip?

wn u
jZ
realyzd
dt ur ol al0n?

icpn m n lng,

my
ktbi
kng
bta
puti ang mata
at
duguan
ang bibig..

hala.

–Galing sa Our Daily Txt

August 28, 2006

Takbo, Oble, Takbo!

Filed under: Current Affairs — ederic @ 10:52 am

Napaaga ang Oblation Run sa UP Diliman kahapon. Napatakbo ang mga taga-APO fraternity dahil sa mga sinabi
ni Raul Gonzalez. Bad trip siya sa mga taga-UP dahil rally raw nang
rally. Nilalabanan daw ng mga taga-UP ang estadong nagpapaaral sa
kanila.

Ang sagot ng kapwa UP alumnus na si Markku, “the GMA administration is definitely not the state.”

Pero aliw lang, parang anlaki ng rally kasabay ng oblation run kahapon. Inabot raw ng 1,000 ang sumali. Hmmm, bakit kaya? ;)  Continue Reading »

July 21, 2006

Smart Broken

Filed under: Web/Tech — ederic @ 12:36 pm

July 15th, 2006

Photobucket - Video and Image Hosting

Hindi naman pala ako praning, kung hindi matigas ang ulo. Bago ako nag-apply sa Smart Bro(ken) na “wi-fi” raw, nang-istorbo ako ng mga taong ‘di ko kakilala, at nag-survey sa mga kaibigan kong connected. May mga nagsabing huwag na, kung ayaw kong sumakit lang ang ulo ko. May mga nagsabing medyo okay na, o pwede na ang connection sa kasalukuyan. Mas pinaniwalaan ko itong huli, lalo na’t atat na akong magka-broadband.

So, okay naman noong una. Mula noong Hulyo 1, nang makabitan ako, bagama’t medyo nagbabagal, isang beses lang akong nawalan ng connection at naayos naman agad. Hanggang sa dumating ang Martes na gabi….

Read the rest of this entry »

May 28, 2006

Captain Barbell

Filed under: Television — ederic @ 7:52 am

Captain Barbell

May 28th, 2006

Sa maniwala kayo’t sa hindi, ngayong taon ko lamang napanood ang mga pelikulang Superman. Nakakaaliw nga dahil para akong si Migmig,
na tuwang-tuwa sa Superman. Bagamat dati’y napapanood ko sa TV ang
“Louis and Clark”, etong Superman I to IV ay ngayon ko lang na-enjoy.
(Ikukuwento ko sa ibang panahon ang tungkol sa pagka-Superman fan ko.)
Noong lumalaki kasi ako sa probinsya, hindi uso sa akin ang mga
dayuhang palabas. Lumaki akong sina Darna at Captain Barbell, Zarbot,
Bioman at Shaider ang mga superhero sa komiks at telebisyon.

Naalala ko pa nang napanood ko ang Captain Barbell
noong 1980s. Ito yung si Edu Manzano ang Captain Barbell, si Herbert
Bautista ang Teng-teng, at si Sharon Cuneta ang Darna. Sa isang
classroom ito ipinalabas sa high school na kalauna’y magiging paaralan
ko rin. Noon kasi’y may mga nagpapalabas ng mga sine sa barangay namin.
May dala silang malaking projection screen, at may kadobol bawat
palabas. Doon ko rin napanood ang pelikula ni Sharon na Kailan
Sasabihing Mahal kita ni Sharon, na halaw rin sa komiks, at ang Halimaw
sa Banga. Read the rest of this entry »

May 27, 2006

Mga kuwentong ibinabalik ng PBB Teen Edition

Filed under: Television — ederic @ 4:23 am

Peyups.com
— Kahit disappointed ang marami sa atin dahil walang taga-UP sa Pinoy
Big Brother Teen edition, nakapagpapaalala naman ito ng karanasan at
panahon ko sa Peyups nating mahal.

Napanood ko ang pagpakilala sa teen housemates, at naalala ko ang
pagpasok ko sa UP. Big deal ‘yun sa akin at sa mga kamag-anak ko sa
Marinduque–kung paanong malaking bagay rin sa mga pamilya ng mga bata
ang pagiging teen housemates nila. Sa libu-libo ba namang nag-audition,
sila ang napili. Para silang nakapasa sa UPCAT! Read more

May 25, 2006

Luzviminda sa Chomolungma

Filed under: Sports — ederic @ 5:21 am

Sa tagumpay ng tatlong Pilipinong nakaakyat sa tuktok ng Bundok Chomolungma o Mt. Everest, well-represented ang Pilipinas.

Nakuha ko ang impormasyong ito sa 24 Oras newscast ng GMA-7, at nang i-review ko ang mga datos, nakita kong tama  nga ito.  Read the rest of this entry »

« Previous PageNext Page »