Zaido
Gusto ko sanang manood ng press launch ng Zaido kanina.
Kaya lang, nung tumambay na ako sa labas ng studio pagkatapos ng trabaho, medyo
nailang ako dahil ayokong magmukhang engot na nakatunganga roon. Kaya sa halip
na manatili para maghintay na dumating ang mga naka-costume na artista, umuwi na
lamang ako.
Pero bakit big deal at kailangan pang i-blog?
Unawaing isa akong Shaider fan na noong
bata pa’y nakikipangapit-bahay para lamang mapanood ang pakikipaglaban ni
Shaider at masilip ang panty ni Annie. Nalungkot ako nang mabalitaan ang pagpanaw ni Hiroshi
Tsuburaya, ang gumanap na Shaider, at nang malamang ngayo’y di lang panty
ang ipinapakita ni Noemi Morinaga, ang gumanap na Annie.