Ibinandera ng palabas sa TV kahapon ang pinakaunang pahayag daw ni
James Yap tungkol sa pagbubuntis ng asawang si Kris Aquino–na para bang
ito na ang pinakamahalagang kaganapan sa bansa sa linggong ito.
Pero ang balitang nakapagpaalala na tumatanda na ako ay ang
pagpapakasal nina Mark Anthony Fernandez at Melissa Garcia. Teenager
ako noong panahon ng kasikatan ng mga Gwapings na kinabilangan ni Mark
Fernandez–kasama sina Eric Fructouso at Jomari Yllana. Lagi nila noong
kapareha si Abby Viduya, na kalauna’y naging si Priscilla Almeda.
Sa aming mga kabataan sa probinsya na hindi exposed sa Hollywood ang Gwapings ay kabilang sa mga idolo noong panahong iyon. More »
Para pa rin sa mga estudyanteng naghahanap ng mga talumpati, narito
naman ang pananalitang binigkas ng kaibigan at ka-Tinig kong si
Alexander Martin Remollino sa Media Summit na isinagawa ng UP College
of Mass Communication Student Council noong Setyembre 22, 2006.
Naka-post din ang piyesang ito sa blog ni Alex, ang Our Thoughts are Free, at sa Indymedia Philippines. Muling ko itong ipinost dito nang may pahintulot ng may-akda.
Ang Mamamahayag at ang Pagbabago
Yaong naghahatid sa atin ng balitang-”artista” sa isa sa mga
pangunahing istasyon sa telebisyon ay nagtapos sa De La Salle
University (DLSU), bagama’t ilang taon bago iyon ay nakikita-kita ko
siya sa pinanggalingan kong pamantasan, ang University of Santo Tomas
(UST). Yaong katapat niya sa kabilang istasyon ay kilala ng karamihan
sa atin bilang nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Continue Reading »