Sa Puerto Galera
Kuha ito sa tabing dagat sa White Beach ng Puerto Galera, Mindoro
kahapon. Naroon kasi kami nina Mhay at lima sa mga kaibigan namin noong
weekend. Actually, lakad iyon ng barkada niya, pero dahil sanay na
silang kasama ako lagi, kasali ako sa biyahe.
Speaking of biyahe, nagsimula kami nang alas tres ng umaga noong
Sabado sa Tritran Bus terminal sa Kamuning, at bago mag-ikalima ay nasa
Batangas pier na kami. Naaliw nga ako nang sa pagbaba namin ng bus ay
may napansin akong babaeng naka-bathing suit (pang-itaas lang ang
napansin ko). Kako’y excited naman sobra ang isang ito. Later,
na-realize kong kasama pala siya ng mga nagtatawag sa mga pasahero para
sumakay sa kanilang bangka. Read the rest of this entry »