Isang
memorial service ang idinaos kanina sa GMA Network Center para kay
Robert “Uncle Bob” Stewart, na siyang nagtatag ng Channel 7 at Radio
DZBB. Isang mamamahayag na Amerikanong labis na napamahal sa ating
bansa, pumanaw siya noong April 6, 2006, sa Phoenix, Arizona.
Hindi ko na naabutan si G. Stewart sa GMA-7–ilang dekada na siyang
wala nang pumasok ako sa kumpanya. Noong bata pa ako’y alam kong
mayroong palabas na “Uncle Bob’s Lucky 7 Club”, pero mas pinanood ko
ang “‘Yan ang Bata” ni Encar Benedicto dahil Tagalog ang usapan ng mga
bata roon. (Naging card-bearing member pa nga ako ng ‘Yan ang Bata
Club.) Read the rest of this entry »