Captain Barbell
Captain Barbell
May 28th, 2006
Sa maniwala kayo’t sa hindi, ngayong taon ko lamang napanood ang mga pelikulang Superman. Nakakaaliw nga dahil para akong si Migmig,
na tuwang-tuwa sa Superman. Bagamat dati’y napapanood ko sa TV ang
“Louis and Clark”, etong Superman I to IV ay ngayon ko lang na-enjoy.
(Ikukuwento ko sa ibang panahon ang tungkol sa pagka-Superman fan ko.)
Noong lumalaki kasi ako sa probinsya, hindi uso sa akin ang mga
dayuhang palabas. Lumaki akong sina Darna at Captain Barbell, Zarbot,
Bioman at Shaider ang mga superhero sa komiks at telebisyon.
Naalala ko pa nang napanood ko ang Captain Barbell
noong 1980s. Ito yung si Edu Manzano ang Captain Barbell, si Herbert
Bautista ang Teng-teng, at si Sharon Cuneta ang Darna. Sa isang
classroom ito ipinalabas sa high school na kalauna’y magiging paaralan
ko rin. Noon kasi’y may mga nagpapalabas ng mga sine sa barangay namin.
May dala silang malaking projection screen, at may kadobol bawat
palabas. Doon ko rin napanood ang pelikula ni Sharon na Kailan
Sasabihing Mahal kita ni Sharon, na halaw rin sa komiks, at ang Halimaw
sa Banga. Read the rest of this entry »