ederic’s friendster blog






         

May 28, 2006

Captain Barbell

Filed under: Television — ederic @ 7:52 am

Captain Barbell

May 28th, 2006

Sa maniwala kayo’t sa hindi, ngayong taon ko lamang napanood ang mga pelikulang Superman. Nakakaaliw nga dahil para akong si Migmig,
na tuwang-tuwa sa Superman. Bagamat dati’y napapanood ko sa TV ang
“Louis and Clark”, etong Superman I to IV ay ngayon ko lang na-enjoy.
(Ikukuwento ko sa ibang panahon ang tungkol sa pagka-Superman fan ko.)
Noong lumalaki kasi ako sa probinsya, hindi uso sa akin ang mga
dayuhang palabas. Lumaki akong sina Darna at Captain Barbell, Zarbot,
Bioman at Shaider ang mga superhero sa komiks at telebisyon.

Naalala ko pa nang napanood ko ang Captain Barbell
noong 1980s. Ito yung si Edu Manzano ang Captain Barbell, si Herbert
Bautista ang Teng-teng, at si Sharon Cuneta ang Darna. Sa isang
classroom ito ipinalabas sa high school na kalauna’y magiging paaralan
ko rin. Noon kasi’y may mga nagpapalabas ng mga sine sa barangay namin.
May dala silang malaking projection screen, at may kadobol bawat
palabas. Doon ko rin napanood ang pelikula ni Sharon na Kailan
Sasabihing Mahal kita ni Sharon, na halaw rin sa komiks, at ang Halimaw
sa Banga. Read the rest of this entry »

May 27, 2006

Mga kuwentong ibinabalik ng PBB Teen Edition

Filed under: Television — ederic @ 4:23 am

Peyups.com
— Kahit disappointed ang marami sa atin dahil walang taga-UP sa Pinoy
Big Brother Teen edition, nakapagpapaalala naman ito ng karanasan at
panahon ko sa Peyups nating mahal.

Napanood ko ang pagpakilala sa teen housemates, at naalala ko ang
pagpasok ko sa UP. Big deal ‘yun sa akin at sa mga kamag-anak ko sa
Marinduque–kung paanong malaking bagay rin sa mga pamilya ng mga bata
ang pagiging teen housemates nila. Sa libu-libo ba namang nag-audition,
sila ang napili. Para silang nakapasa sa UPCAT! Read more

May 25, 2006

Luzviminda sa Chomolungma

Filed under: Sports — ederic @ 5:21 am

Sa tagumpay ng tatlong Pilipinong nakaakyat sa tuktok ng Bundok Chomolungma o Mt. Everest, well-represented ang Pilipinas.

Nakuha ko ang impormasyong ito sa 24 Oras newscast ng GMA-7, at nang i-review ko ang mga datos, nakita kong tama  nga ito.  Read the rest of this entry »

Muling Mag-Batibot!

Filed under: Television — ederic @ 5:19 am

Photobucket - Video and Image Hosting

“Huwag kayong aalis. Babalik agad ang Batibot!”

Read the rest of this entry.

May 16, 2006

Remembering Mama

Filed under: Religion — ederic @ 11:30 am

Eleven
years ago today, I lost my mother in a sea tragedy. She was one of the
passengers of the M/V Viva Antipolo VII, which caught fire and sank
when it was only 30 minutes away from the port of Lucena City.

Before the accident happened, Mama and I had been preparing for my
first semester in the University of the Philippines. After we had
fulfilled the prerequisites for enrollment, she went back to Marinduque
to raise money for my tuition. While she was there, she received an
invitation for me to apply for a private scholarship grant. She
hurriedly accomplished the application forms, secured the required
documents, and sailed back to the city aboard the ill-fated ferry.

When rescuers found Mama’s body, she was clutching her bag that had
the scholarship application forms and some cash, among other things. Read the rest of this entry »

Guilty raw si Gloria

Filed under: Current Affairs — ederic @ 8:43 am

Guilty si Gloria Macapagal-Arroyo at dapat
niyang lisanin ang tanggapan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas, ayon
sa Citizens’ Congress for Truth and Accountability (CCTA) na
pinamumunuan ni dating Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona. Ang mga
kasalanan ni Gloria, ayon sa CCTA, ay

- paglabag sa karapatang pantao;
- graft and corruption;
- at paghe-Hello Garci, este, pandaraya noong halalang 2004.

Ipinahayag ng CCTA’s Presidium ang kanilang findings and
recommendations noong May 10, 2006, sa Kalayaan Hall ng Club Filipino
sa North Greenhills.

Ang kanilang findings na nasa dokumentong “Findings and Recommendations of the Citizens Congress for Truth and Accountability” ay ang mga sumusunod: Read the rest of this entry »

May 12, 2006

New Gmail Features

Filed under: Web/Tech — ederic @ 6:46 am

I learned from SELaplana that there’s a new Gmail feature called Gmail pictures,
which allows users to “put a face to a name.” When when you roll over a
name in your inbox, Contacts, or Quick Contacts list, a user-selected
picture will be shown. You may choose your own photo and suggest photos
for your contacs. Read the rest of this entry »

May 11, 2006

More Puerto Galera Pics

Filed under: Uncategorized — ederic @ 9:13 am

Di
pa rin kami over sa post-vacation syndrome. Base sa isang nabasa ko sa
Reader’s Digest habang nagbibiyahe galing Puerto Galera, tatlong buwan
daw ang tagal ng siglang dulot ng bakasyon sa beach. Kaya naman habang
nag-iisip ako kung saan kami magwa-Wow Philippines sa Agosto–at kung
saan kukuha ng perang gagastusin, panoorin n’yo muna ang mga larawan
namin sa beach noong weekend. Read the rest of this entry »

May 10, 2006

Which Superhero are you?

Filed under: Uncategorized — ederic @ 8:49 am

I took this online quiz, and here’s the result.

May 9, 2006

Sa Puerto Galera

Filed under: Uncategorized — ederic @ 7:57 am


Kuha ito sa tabing dagat sa White Beach ng Puerto Galera, Mindoro
kahapon. Naroon kasi kami nina Mhay at lima sa mga kaibigan namin noong
weekend. Actually, lakad iyon ng barkada niya, pero dahil sanay na
silang kasama ako lagi, kasali ako sa biyahe.

Speaking of biyahe, nagsimula kami nang alas tres ng umaga noong
Sabado sa Tritran Bus terminal sa Kamuning, at bago mag-ikalima ay nasa
Batangas pier na kami. Naaliw nga ako nang sa pagbaba namin ng bus ay
may napansin akong babaeng naka-bathing suit (pang-itaas lang ang
napansin ko). Kako’y excited naman sobra ang isang ito. Later,
na-realize kong kasama pala siya ng mga nagtatawag sa mga pasahero para
sumakay sa kanilang bangka. Read the rest of this entry »

Next Page »