Wowowee, Sinong Mawiwili?
February 4th, 2006
Kawalanghiyaan ang mawili sa naganap kahapon sa Philippine Sports Arena o ULTRA, na pagdarausan sana ng unang anibersaryo ng Wowowee ABS-CBN. Mahigit 70 katao–karamihan ay nakatatandang mga kababaihan–ang namatay nang maganap ang isang stampede.
At mabuti naman, kung may nawiwili man, kaunti lamang: yaong sadyang masayahi’t nakagagawa ng akala nila’y nakatatawang text messages habang ang marami’y nagluluksa. Read the rest of this entry »