ederic’s friendster blog






         

December 16, 2005

09205400971 at 09197292678 — Text Scammer

Filed under: Web/Tech — ederic @ 11:17 am

(Updated)Hindi ko ugaling mag-post ng number ng ibang tao sa mga pampublikong lunan gaya nitong aking blog, pero ibang kaso ito.

Kani-kanina
lang, nakatanggap ako ng isang mensahe galing daw sa SmartZED na
nagsasabing nanalo ako ng 500 pisong load. Mukhang credible ‘yung text.
Sa unang tingin ko, medyo maayos ang grammar (pero kapag binasa nang
maayos, hindi pala–hindi marunong gumamit ng punctuation yung
nagpadala). At alam kong minsan ay may mga ganitong promo ang Smart. Eh
siyempre, natuwa ako. Para sa mga kitikitext pero ordinaryong empleyado
lang kagaya ko, malaking bagay na ang 500 pisong libreng load. Read the rest of this entry »

December 2, 2005

Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog

Filed under: Uncategorized — ederic @ 10:46 am

November 30th, 2005

Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
Andres Bonifacio
Mula sa http://www.angelfire.com/la2/prose/Tagpr.html

Itong
Katagalugan, na pinamamahalaan nang unang panahon ng ating tunay na mga
kababayan niyaong hindi pa tumutulong sa mga lupaing ito ang mga
Kastila, ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at kaginhawaaan. Kasundo
niya ang mga kapit-bayan at lalung-lalo na ang mga taga-Japon, sila’y
kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ang pagyabong ng lahat
ng pinagkakakitaan, kaya’t dahil dito’y mayaman ang kaasalan ng lahat,
bata’t matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng
talagang pagsulat nating mga Tagalog.  Read the rest of this entry »